BREAKING NEWS! : Jason Francisco admits break-up with Melai Cantiveros: ‘Wala na po ang Melason’


Jason Francisco speaks up on his break-up with Melai Cantiveros Other half of real and reel life couple Melason – Jason Francisco – confirmed his break up with Melai Canitveros in a long message posted on the Instagram page of their daughter, Amelia Lucille.

“Wala na po ang Melason,” Francisco wrote in the post.

Jason and Melai were both working on in their respective projects – Super D and We Will Survive – but it wasn’t the busy schedule that came along with their work that led their relationship to the rocks — it was jealousy.Sa ilang mga post sa Instagram sinabi ni Jason Francisco na nagkalabuan na nga sila ng asawang si Melai Cantiveros nang dahil sa hindi pagkakaintindihan sa trabaho.

Ipinaiintindi ni Jason na ang samahan nila ni Melai ay di na lamang love team tulad ng nagsimula sila sa Pinoy Big Brother, kundi mag-asawa sila sa totoong buhay. Sinabi ni Jason na noong tinanggap daw ni Melai ang role saWe Will Survive, sinabi daw na walang makaka-pareha ng pirmi ang kanyang asawa.

Sa una daw ay masaya siya at pareho silang may trabaho ni Melai, dahil siya ay naging side kick naman sa Super D. Pero dahil sa schedule nila ni Melai ay halos di na sila magkita ng kanyang asawa at parang di daw siya mapakali at may kakaibang nararamdaman. Two months na din palang itinago sa kanya at yun pala ay nagbago na pala ang kwento ng teleserye ni Melai at siya ay may kapareha na nga si Melai.

Nakiusap daw si Jason sa production ng teleserye ngunit walang nabago sa script nito. Nalungkot daw ng todo ang former PBB housemate kayat pati ang kanyang trabaho sa Super D ay naapektuhan na.

“Dahil po ako’y nakakaramdam ng selos, syempre po asawa ko yuon, mahal na mahal ko po yun, kasal kami at higit pa duon asawa ko po yun sa totoong buhay, at ayoko po talaga na may ibang humawak sa asawa ko,” paglalahad pa ni Jason sa kanyang post.

Nagkaroon din ng matinding tampuhan noong magkasintahan pa si Jason at Melai na naging rason ng kanilang pansamantalang paghihiwalay noong 2012.


0 Response to "BREAKING NEWS! : Jason Francisco admits break-up with Melai Cantiveros: ‘Wala na po ang Melason’"

Post a Comment