Babaeng sabog sa droga, naghubad ng t-shirt at naghamon ng suntukan

ZHEJIANG, CHINA — Noong nakaraang linggo, isang di kilalang babae sa China ay sumugod sa police station at sumigaw na mananatili siya doon at walang makakapigil sa kanya.

Syempre nagulat ang mga pulis kaya kinuwestyon nila ang babae. Walang katuturan ang mga sinabi ng babae habang nagsindi pa ito ng sigarilyo.

Para maiwasang gumawa pa ng extra police report dahil lamang sa isang mababaw na problema, sinubukan nilang paalisin ang babae. Ngunit bigla niyang hinubad ang kanyang t-shirt at hinamon ang isang pulis sa suntukan. Dahil dito napilitan silang ipa-drug test ang babae.

Nalaman nila sa drug test na ang babae ay nagpaka-high sa opium. Dahil ayaw niya umalis, siya ay pinatulog sa presinto.

Kinabukasan sinabi ng babae na hindi daw siya gumamit ng droga at ang ihe daw niya ay kasinglinis ng mineral water. Gosh, as in Evian?

Siya ay nakasuhan ng disorderly conduct at sa paggamit ng droga.

Source: TomoNews

0 Response to "Babaeng sabog sa droga, naghubad ng t-shirt at naghamon ng suntukan "

Post a Comment