6 years kulong sa tsismosa!



Umusad na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong amiyendahan ang Article 364 o “Intriguing Against Honor” ng Revised Penal Code upang maitaas sa P50,000 ang multa sa nasabing krimen o parusang pagkakulong ng hindi bababa sa anim na buwan hanggang anim na taon

Ayon kay Senator Loren Legarda, awtor ng panukala, hindi na napapanahon ang parusa sa mga tsismoso at tsismosa o naninira ng reputasyon ng ibang tao dahil sa kasalukuyan P200 lamang ang multang nakalaan sa mga ito at pagkabilanggo na mula isa hanggang 30 araw

“Intriguing against ho­nor is committed by any person who intrigues ano­ther for the principal purpose of blemishing his or her honor or reputation,

Sabi ni Legarda sa kaniyang panukala na nakalusot na sa Senate Committee on Justice and Human Rights at Constitutional Amendments, Revision of Codes and Laws. 

Nakapaloob din sa panukala ang pagtataas ng parusa sa mga taong nagsasangkot sa mga inosenteng individual sa isang krimen o “incriminatory machination” na nakaloob sa Article 363 ng Revised Penal Code. Nais ni Legarda na itaas ang parusa ng ‘incriminatory machination’ sa prison mayor o pag­kabilanggo ng mula anim na buwan hanggang 12 taon ang kasalukuyang parusa na arresto mayor o pagkabilanggo lamang ng anim na isang araw hanggang anim na buwan.



0 Response to "6 years kulong sa tsismosa!"

Post a Comment